Panimula sa Pagsusulatan na Pag-aaral ng Bibliya

Sa araw na ito na maraming huwad na “Mga Bibliya”, walang butó na pang-aaral at kinikilalang tiyak na “Christian Counseling”; sa araw na ito na ang simbahan ay isang hakbang na naiwan sa sanlibutan at ang mga nangangaral ay nagnanasang makakamit ng mga malaking simbahan na puno ng paghihimagsik, likas na makalaman na mga Kristiyano, sa araw na ang tama ay mali, mabuti ay masamâ, at ang matuwid ay hindi matuwid; sa ganitong araw na “walang ganap” walang tama at mali, walang sukatan at patnubay na ang tao ay masukat sa kaniyang kaugnayan ng kaniyang Panginoon at mga taong katulad niya; sa araw na kung kailan ang salita ng tao walang kabuluhan, ang pagkakamayan ay walang kwenta, at ang pagiging Kristiyano ay inangkin ng kahit sinong Bible-toting, masagwâ, half-dressed, panunuod ng telebisyon, mapagmahal sa media, palaging pinatay ang ningas ng Banal na Espiritu, maramot, makasarili, kaisipang pangsanlibutan, impluwensiyang pangsanlibutan, ecumenical, huwad na nangangaral sa Bibliya. Sa panahong ito na ang tagapangaral ay mahilig kumuha ng mga talata na wala sa context upang patunayan nila ang pansariling paniniwala kay sa pagbabago ng kanilang kaisipan na bumagay sa kaisipan o aral ng Panginoon.

Mayroong isang malaking pagtatalo sa panahong ito upang mag-alinlangan sa salita ng Diyos na gawa si Satanas at mga liberals na nagkakaisa upang baguhin ito sa kanilang kurukuro ang ganap o tapos na sinabi ng Diyos. Ang paliwanag nila ay napakalayo sa katutuhanan at pinasalungat ang Salita ng Diyos sa halpi na dapat “makipagbaka sa mabuting pakikipagbaka,” marami ang hindi marunong nitong [makikipagbaka sa mabuting pakikibaka sa panananpalataya], sapagkat hindi sila kinaroroonan ng Banal na Espiritu ng Diyos !!!!!! Ang iba naman ay ipinaglaban ang salita ng Diyos (KJV 1611) na magkatulad ang kaisipan sa karamihan kay sa ipabatid sa kanila ang “kaisipan ng Diyos” na dapat makitang tunay sa buhay nila (sinabi kong tunay, sapagkat ang mga aral nito’y dapat nilang ipagkaloob sa buhay sa bawat araw upang sila’y lubos na magamit sa paglilingkod para sa Kanya). Mga mangangaral ngayon ay walang sinasabing kung paano ipagkaloob ang Salita ng Diyos sa bawat araw na pamumuhay, na dapat isasabuhay bawat minuto sa bawat araw ng buhay; ito ay sapagkat hindi sila nangaral laban sa kasalalan.

Ang tunay na paniniwalang Kristiyano ay ang tapat na pagsasanay ayon sa salita ng Diyos sa bawat minuto ng bawat araw, hindi lamang panglingguhan o sa bawat pagkikita sa Simbahan. Huwag mong ipagtanggol ang iyong sandata; GAMITIN MO!

Ang mga mas malalim na aral, pilosopiya, at “teyolohiya” (the study what profit can be made pedaling God) ay hindi tinuturo ng kahit sinong apostoles o propeta, na nangaral “Ganito ang Sabi ng Panginoon.” Atin pong punahin na hindi natin makita na nakasulat na si Pablo ay isang Kristiyanong “tagapayo”, mga taong mayroong PhDs, kilala bilang “Kristiyanong Psychologists” (umaangking nakakamit ng may “mas mataas na pag-uunawa” ng Diyos at “kaugnayan ng tao”) baha ng “Kristiyanismo” kalakip ng pangramihang pag-aaral na nagpatawad ng kasalanan, bigyang matuwid ang munting panghihimagsik ni Juan, pangaral ng walang aral, pinalaganap ang “pag-ibig, pag-ibig, pag-ibig” pinatugtug ang nakakalasing na plawta ni Satanas, na siya na ring nagtatangkang sumpain at maminsala sa isang institusiyon na siyang pinabutó ng katuwiran. Ito ay nagsimula, sa pamagitan, sa isang “tanyag” mahimagsik na evangelist na nangaral ng kaligtasan na walang pagsisisi o kaya’y pagbabago ng buhay sa isang taong bagong ligtas. Si Billy Graham samakatuwid ay nangaral laban sa pagbabago bilang bunga ng kaligtasan. Para sa kanya si Jesus ay hindi ang Isa na nagligtas sa iyo at nagbabago sa iyo, kundi isang taong nagmahal sa iyo, tumulong sa buong buhay mo, at nandiyan para sa iyo—walang impyerno, walang parusa, walang pagsunod, kaligtasan upang magkaroon ng kaibigan!! Napakaraming taong “ligtas” na patuloy pa ring namumuhay sa kanilang makasalanang buhay na bumalik sa kanilang mga masama at lumayo sa katutuhanan na “mga Simbahan” na nagtuturo ng mga nakakasirang maling katuruan. Itong “pilosopiya” (hindi aral ng Bibliya na parang apoy na mahirap patayin na lumalaganap sa mga Simbahan at sa sangkatauhan na pinarurusahan ng kamatayang walang hanggan sa impyerno dahil sa nitong watered-down, walang pagsisisi, walang commitment, walang pagkatakot sa Diyos na “kaligtasan”. Maraming Kristiyano na nakikinig sa mahabang-buhok, guitar-toting, body-pierced (duruin na katawan), “hindi ligtas” parang babae na lalaki (baklá) o “sexy”, likas na makalaman, whorish woman uma-awit ng awiting para kay Jesus, maraming pagkakataon na hindi ginamit ang kanyang pangalan, (lumang halimbawa: “you light up my life”) na kung sakali siya ay babae o mapagmahal “iba”.

Feminism, ang ERA, ang unisex movement, ang sexual revolution, situational ethics, effeminacy, prosperity preaching, ecumenicalism, pagpahintulot ng kasalanan, at iba pang uri na “mga aral ng mga diyablo” na pinapalit sa Mabuting Aral ng mga simbahan, kabilang na dito ang independent “Baptist” churches, hangga’t sa sila’y tumatagumpay at tumatayo at bumabalak at dumadagdag at tumitigil at namamatay at lumulubog at umalingasaw at nalalanta, at sila’y nawalan ng kanilang unang pag’ibig!!! Mga Kristiyano ay humahanap ng magkaroon ng “balanse” o masarap na pagsasamahan sa daigdig sa kasulukuyang gumagamit ng pahayag tulad ng, “Huwag namang masiyadong langit-isip, kaya wala kang kabutihan sa mundo.” Pakitingnan mo kung mayroon kang makita na kasulatan na makatulong sa ganoong hidwaang pananampalataya!!!!!!!!!! Basahin mo sa mga taga-Filipos 3:20, na nagsasabi, “sapagkat ang ating pagkamamamayan (Politics, Citizenship, Lifestyle) ay nasa langit na mula roon ay hihintay naman natin ang Tagapagligtas, ang Panginoong JesuKristo”. Sa aking pag-iisip ang mga Kristiyano ngayon ay palapit na palapit at lubhang maginhawa nakikibagay sa sanlibutan !!!!!!! I Pedro 2:11 nagtuturo po sa atin, “mga minamahal, bilang mga dayuhan at mga pansamantalang naninirahan (pansamantalang manlalakbay, dumaraan lumang), ipamamanhik ko sa inyo na kayo ay lumayo sa masamang pagnanasa sa laman na nakikipaglaban sa kaluluwa”. Ang naligtas na ay hindi na siya dapat manatili “ng, sa, o para” sa mundong ito. “Kung ang sinuman ay umibig sa sanlibutan, wala sa kaniya ang pag-ibig ng Ama” (I Juan 2:15b).

Mga Ama sa ngayon ay hindi na ipagpalagay ang kanilang katungkulan. Mga ina sa ngayon nagsisikapang maging katulad ng mga ama, mga magulang nagsisikap subukang ipangaral ang “matatag na pag-ibig” kay sa maka-Diyos na disiplina. Ang tahanan ay pinangasiwaan ng telebisyon. Walang panahon sa family altar; walang panahon na ang bawat isa sa pamilya ay magkaroon ng pagdadasalan sa Panginoon. Mga magulang ay gustong gawin ang kanilang kabataan na katoto, mga kabataan sumigaw at walang respeto sa kanilang mga magulang, ang gawaing pambuong-buhay o karera ay mas mahalaga pa kay sa mga kabataan, at hindi tinuturuan at sinasanay ang mga kabataan sa pag-iisip at pagkatakot sa Panginoon. “Mga katabaan sa Simbahan hindi na nagsasalita tungkol kay Jesus, walang pag-ibig sa Kanya, hindi na dumadasal sa Kaniya. Ang Panginoon ay iniwanan na lamang sa pintuan ng Simbahan (kung sakali matamo ‘yon na layo). Ang Kristiyanong paaralan ay walang pagkakaiba sa mga pangpublikong paaralan. Mga gawain ng Simbahan ay mga disenyo sa pag-aaliw ng mga bata sa halip na turuan at sasanayin sa kabanalan. Mga simbahan ay nagsisipag-upahan ng mga masamang negosyo tulad ng arcades, wave pools, water slides, at roller rinks, na nagbibigay ng pera sa ganitong mga institusiyon na nangaingibabaw na nagtataguyod ng nudity (hubo’t hubad), satanic music (musikang diyablo), immorality (imoralidad o kalaswaan), adultery (pakiki-apid), at loose living (malayang pamumuhay); at pinasigla ang kanilang mga meyembro na pumupunta sa ganong mga lugar at ang simbahan ay nagkulong sa “paglilinis” nitong mga kweba ng di-makatarungang gawa. Pag-aaliw at “fun, fun, fun” (“kasayahan, kasayahan, kasayahan”) ang kapalitan ng katuwiran, kabanalan, at ng kamangmangan ng pangangaral!!!!!!

“Mga koloheyo” ay puspos ng mga mag-aaral ng ministeryo na mayroong kakaunti na natutunan ng Bibliya; mga lalaking mangangaral na nagbubuli ng kanilang mga biro, natutunan ang kanilang nauukol na pangbibigkas, at hindi man lang nakikipag-ugnayan at lumuluhod ng kanilang Tagapagligtas sa hinaharap ang mga asawa ng mga mangangaral ay sumusunod sa halimbawa ng breast-exposing (“lantad-suso”) painted-up, see-through-bloused, slit-skirted, form-figured, non soul-winning (hindi humihikayat ng mga kaluluwa) career-minded na “mga asawa ng mga mangangaral, na sumusuot ng pinakabagong kaanyuan mula sa mga mainam na tindahan ngunit hindi nagsupilin na magpatoto ng kaligtasan ni Kristo, dahil ang kanyang damit ay makipot at hindi pa rin, sapagkat para sa kaniya iyon ay paglilingkod ng kanyang asawa hindi para sa kaniya—siya ay mayroong sariling panindigan ng buhay !!!!!! mga pahayagang naghahatid ng sermon outline na madaling kamutin sa pagitan ng sporting events ng “mga mangangaral ng ebanghelyo.” Mga pulpito ay puno ng “good career decisions.” Mga mangangaral mayroong panahon sa paghumihikayat ng mga kaluluwa ngunit walang pagkakataon na pangunahan ang kawan. Ang paghumihikayat ng mga kaluluwa ay ginawa sa paramihan lamang at ito’y ginaganap tuwing Sabado at Huwebes ng gabi lamang. “Bus calling” ay naging kapalit ng paghumihikayat ng kaluluwa at ito’y pinamunuan ng isang mataba, nakasuot ng kulay-asol na pantalon, isang babae, sino, kung siya’y mayroong pagkakataon, mangaral sa Linggo. (at maaring mangyari na mas marami pa siyang talata na ginagamit sa kaniyang “sermon” kay sa maiksing mangangaral ngayon).

Ang tahanan ay paurong at bumabagsak.

Ang Simbahan ay makamundo at ecumenical (pandaigdigan). Ang mangangaral ay gumiri-giri sa loob ng Simbahan sa kaniyang pinakamagaling na magpalusot-lusot, “magtitiis para kay Jesus sa kaniyang bagong kotse; sa halip na siya ay isang “tagapaglingkod” o ministro ng Simbahan, siya’y nagiging “baby sitter” “nagbabantay sanggol” umuugoy ng duyan, ngunit hindi sa bangkâ !!!!!! Ang kaniyang sermon ay mula sa isang talata, hindi hanay sa hanay at batas sa batas, na pinaghaluan niya at mas lalong binabanggit ang pilosopiya, kasaysayan, mga kwento, at one-liners kay sa isang stand-up comedian. Pagkatapos ng “maiksing sermon”, ang mga kabataan ay makamundong rebelde pa rin (tingnan mong mabuti ang kanilang saloobin at ang kanilang hangarin ay katulad pa rin sa mundo, inilantad ang laman, at gumagamit ng salitang isipang tsismes. Ang mga ama ay balisá pa rin sa kanilang trabaho, sports (isports), at ang kanilang family vacation (kamag-anakang bakasiyon) sa halip ituturo ang katuwiran, kabanalan, at paghihiwalay o paglalayo sa sanlibutan, masamang pagnanasa sa laman, at sa diyablo. Ang mga nanay at tatay ay walang panahon ng kanilang kabataan. Ngunit ang mga Simbahan ay puno, puspos ng mga tao. Ang mga upuan, ang mga sermon ay matamis na ipinahatid, ang Diyablo o Satanas ay nakangiti dahil ang mga Kristiyanong manampalataya ay hindi natutunan ng pangbabagong buhayo “mabuting Aral.”

Sa ganitong panahon ng pagbabalikwas, sanlibutang-isip, makalaman, malahiningan, masama, makasalanan, at katapusan na panahon na tayo’y patuloy na nabubuhay, ang mangangailangan ng mabuting Aral na dapat ipangaral mula sa Bibliya ay mahigpit kung gusto natin maranasan ang biyaya ng Diyos o mabubuhay muli ang mahina, maybanto, “do our own thing” (gawin mo ang gusto mo sa iyong sarili) na mga Simbahan ngayon.

 

Sighing in the Rain

PreviousArrowsNext Page

 

Home
Bible School
Order Free Cassettes or CD's
Free Literature & Booklets
Mission Partners

Back Next