Ang Batayan, Pangkatapusang Awtoridad

Kung kailan sa pagkakataong mayroong pagtatalakayan alang-alang sa wastong gamit ng salita, tayo’y tumakbo sa isang diksyonaryo, at ito maging pagpapasiya, batayan o “pangkatapusang autoridad” para sa tumpak na pagpili ng salita at baralila. Ang Diyos ay nag-iwan sa atin ng Kanyang salita bilang “Pangkatapusang Awtoridad”. Sapagkat iba ang ating pag-iisip sa Kanya, dapat tayo ay “tumakbo” sa Bibliya o Kasulatan bawat araw, pahintulutan itong maging Batayan sa ating bagong lakad kasama Niya.

Mga Kawikaan 30:5 nagpabatid sa atin “Bawat salita ng Diyos ay dalisay (walang kamalian): Siya ay kalasag sa kanila na nananalig sa Kaniya. (Makita sa pamamagitan ng kanilang ginawa.) Mateo 4:4 at Lukas 4:4 naitala “At si Jesus ay sumagot sa kaniya na sinasabi, nasusulat. Hindi lamang sa tinapay nabubuhay ang tao kundi sa bawat salita ng Diyos.” “Dapat tayong mamumuhay na sumasang-ayon sa Salita ng Diyos.” Kasawiang-palad, ang karamihan ay walang kaalaman sa Salita ng Diyos at nalinlang sa kanilang sarili sa pag-iisip sa kaunting kaalaman na kanilang nakamit, akala nila na sila ay mapaumanhin, ngunit si Jesus po’y nagsasabi sa atin sa Juan 12:48 “May isang hahatol sa tumanggi sa akin at hindi tumatanggap ng aking salita na aking sinasalita (mula sa Genesis hanggang Pahayag), ay siyang hahatol sa Kanya sa huling araw.

Tayo’y nagiging banal sa pamamagitan ng katutuhan sa ating masisikaping pag-aaral at ilaan sa ating buhay. Juan 17:7 “Pakabanalin (gawing banal, gawing dalisay0 mo sila sa pamamagitan ng iyong katotohanan: ang iyong salita ay katotohanan.” Ang ating pananampalataya ay lumago kung tayo’y magbasa sa mga gawa ng Diyos at Kanyang magawa naisulat sa mga taga Roma 10:17 “Kaya nga ang pananampalataya ay mula sa pakikinig at ang pakikinig ay mula sa Salita ng Diyos.” Nang ipinangaral at itinuro ni Pablo ang kaniyang mga liham, sinabi niya ang mga aral na kanyang natanggap mula sa bibig ng Diyos. Nang si Jesus ay nangaral sa Libumbun, Kanyang pinamangha sila sa Kaniyang mga “aral” (Mateo 7:28; 22:23; Marcos 1:22, 27; 4:2; 11:18; 12:38; Lukas 4:32) na Siya ring nagsabi “Ang aking turo o aral ay hindi akin, kundi sa Kaniya na nagsugo sa akin.” (Juan 7:16). Patuloy rin niyang sinabi sa kasunod na talata (17) “Kung ang sinuman ay nagnanais na gumawa ng kalooban ng Diyos ay malalaman niya ang patungkol sa turo, kung ito ay mula sa aking sarili.” Ano ang tinuro ni Jesus? Tinuro Niya ang aral or turo ng Diyos, na walang iba ang salita ng Diyos.

Sa mabilisang paglakad sa Mga Awit 119 ito’y nagpapakita sa atin na si David ay lubos na nagtiwala sa salita ng diyos na kaniyang patnubay sa buong buhay. Mayroon itong 176 na talata, lahat ngunit 3 sa mga ito ay ipinahihiwatig na salita ng Diyos, mga reglamento, mga patotoo, mandamyento, mga utos, mga direksiyon, mga batas, mga kahatulan, salitang katotohanan, mga kautusan. Gayong kahandugan sa salita ng Diyos ay naglaan kay David ng wastong kapasiyahan na nagpalakas sa kaniya bilang hari sa buong Israel. Mg Awit 119: 9 nagsabi sa atin “Sa paano lilinisin ng isang binata ang kanyang daan? Sa pagdinig doon ayon sa iyong salita: Hinanap kita ng aking buong puso; O, huwag nawa akong malihis sa kanyang mga utos. Ang iyong salita ay aking iniingatan sa aking puso, upang huwag akong magkasala laban sa iyo.” Ikaw ba’y dumulog sa Diyos siyong buong puso?

Ang Banal na Espiritu ng Diyos ay gumagamit ng salita ng Diyos na atong iniingatan sa ating mga puso sa paghatol sa ating kasalanan, sa panahon na dumating sa ating landas ang tukso. Kapos kapalaran, tapos siyang tumaas, siya’y nag-umpisang bumagsak sa kanyang panampalataya na tumulong sa kaniya mula sa kaniyang pagbibinata. Nang nag-umpisang nagnasa ng laman kay Bathsheba, dapat iyon ang pagkakataong binanggit niya ang kautusan ng Diyos upang sa gayo’y paalalahanan ang kaniyang kamalian. Ang isang Kristiyano pinakamaagang bumagsak sa bitag ni Satanas nang wala siyang pagkakataon na makinig sa tinig ng Diyos sa kasalukuyan. Kayo ba’y nakinig sa Diyos sa kasalukuyan??

Nang si Jesus tuksuhin pagkatapos ng 40 araw na ayuno, ginagamit lamang ni Jesus ang salita ng Diyos na salungatin ang mapanlinlang o madayang alinlangan ni Satanas sa Salita ng Diyos (Mateo 4:4, 7, 10; Lukas 4:4, 8, 12). Sa bawat pagkakataon sinagot diyablo, ang sagot ni Jesus ay pinagmulan ng, “Nasusulat...” Ano ang sabihin mo kay Satanas?? Sisikapin mo bang gamitan ng pilosopiya at ng pinakamapanlinlang pangatuwiran ng sanlibutan, pinakamalinamnam na mandaraya?? Ang Judas 1:9 nagpatotoo ng pananalita ni Miguel ng nakipaglaban siya ng diyablo. “Nang nakipaglaban si arkangel Miguel sa diyablo, nakipagtalo siya patungkol sa bangkay ni Moises. Sa kaniyang pakikipagtalo ay hindi siya nangahas na magbigay ng mapanglait na paghatol. Sa halip ay sinabi niya, “Sawayin ka ng Panginoon.” Ito’y nagpapaliwanag sa atin tungkol sa sinabi ni Pablo sa 11 mga taga-Corinto 10:5, na nagsabi: “Ibagsak (ihalibas, wasakin, paguhuin) nito ang mga pag-iisip (pangangatuwiran; pagtutuos, pag-alinlangan), at bawat matataas na bagay (mapagmalaki, mapataasing hadlang) na nagtataas (pumasaitaas) sa kanyang sarili laban sa kaalaman ng Diyos (Kautusan ng Diyos mula sa kanyang salita), at dinala nitong alipin ang bawat kaisipan patunog sa pagsunod kay Cristo.” Paano mo gamitin ang salita ng Diyos laban sa diyablo nang hindi mo man lamang nalaman ito?

Tayo po’y gumamit ng lahat ng ating mga sandatang espiritwal, sapagkat tayo’y nakikipaglaban sa labanang espiritwal kaharap ang isang makapangyarihang kaaway. II Mga taga-Corinto 10:4 nagpapahayag “(Ito ay sapagkat ang aming mga sandata sa labanang ito ay hindi pantao, subalit ito ay makapangyarihan sa pamamagitan ng Diyos na makakapagbagsak ng matitibay na kuta.)” 1 Pedro 5:8 naglalarawan nitong labanan at paano tayo makikipaglaban sa labanang ito, “Magkaroon kayo ng maayos na pag-iisip (hindi nalalango sa sanlibutan, sa laman o sa diyuablo, kundi dapat siyang lubhang maingat sa taos-pusong ganap na pagkamasunurin), magbantay kayo (mapagbantay); sapagkat ang iyong kaaway (pangunahing kaaway) ang diyablo (sinungaling na tagapagbintang, maninirang puri), ay parang leon na umaatungal at umaali-aligid (pag-ukulan ng panahon, bakas humakbang sa bawat pagkakataon), na naghahanap (lihim na pumpakana laban sa buhay) kung sino ang malalaman niya (lunuking bigla, lunurin, lumunok). Dapat kayo ay lumaban (salungatin) magpakatatag (matibay at matigas, matatag, tiyak) sa inyong pananampalataya (kapasiyahang moral, katapatan, pananalig, ganap na pangangapit sa Diyos), tulad ng nalalaman ninyo, dumaranas din ng gayong kahirapan (gambalaing emosyonal, kaguluhan, kahirapan o pagdurusa) ang mga kapatid ninyo sa buong sanlibutan.” Mga Awit 119:16 “Ako’y mag-aaliw sa inyong mga kautusan: Hindi ko kalilimutan ang iyong salita.” Ang iyong pamumuhay ba ay nagtataguyod sa ganong kasiyahang-loob sa salita ng Diyos? Ang pagtulad (paggaya) mo sa sanlibutan ba ay nakatutulong sa iyo na abutin ang sang katauhan? O kaya ito’y namumunga na nagpahambog ng ulo at kaginhawaan ng budhi na naghatol sa iyo na ika’y nagkulang sa paglalaan na isasabuhay ang kabanalan?

Sa panimulang itong pagsusulatan na pag-aaral ng Bibliya na tinatawag nating “Mabuting Aral” o “Matatag na Aral”, o “Mapagkakatiwalaang Aral”, atin pong sasagutin itong tatlong katanungan: Ano itong “Mabuting Aral?” Para kanino ito? Ano ang epekto sa pagpangaral ng “Mabuting Aral”?

Previous Page ArrowsNext Page Back Next

 

Home
Bible School
Order Free Cassettes or CD's
Free Literature & Booklets
Mission Partners