Ano Ang Mabuting Aral?

Sa kapuwang matanda at bagong tipan, lahat na nagpahiwatig ng aral: “bagay na natanggap na kautusan o kaalaman”. Ito’y ang kaisipan ng Diyos, na makikita sa salita ng Diyos na itinuturo ng marami at iba’t-ibang mga tao at iba’t-ibang panahon kahit saan sa kaniyang salita ngunit lahat ay kadakilaang kinasihan ng Diyos. Sa ngayon, ating makita na ito ay pag-iisip at pagnanasa ng Diyos kanino man! Anong aral ang dapat nating ipapangaral at ituturo? Ang kaisipan ng Diyos alang-alang sa bawat kalagayan ng ating buhay. Ang Diyos ay nag-iwan sa atin ng Matandang Tipan upang tayo’y turuan kung paano Niya pinakita ang Kanyang kaisipan at damdamin tungkol sa maraming mahahalagang paksa. Mga Taga-Galicia 3:24 ay nagsabi sa atin na ang kautusan, mula sa Matandang Tipan ay ating “patnugot” upang tayo’y dalhin kay Cristo, sapagkat ito’y nagturo sa atin kung paano nagdulot ng pighating damdamin sa Diyos ang kasalanan. Sa pamamagitan ng kaalaman sa aral at turo kung paano ang Diyos nakikitungo sa kasalanan tayo po’y makaunawa na dahil tayo’y sa ilalim ng “biyaya” hindi ito nangahulugan na nagbago ang kapighatiang damdamin ng Diyos ukol sa kasalanan. Mga Taga-Roma 6:1 ay nagsabi “Ano ngayon ang sasabihin natin? Magpapatuloy ba tayo sa kasalanan upang ang biyaya ay sumagana? Huwag nawang mangyari. Papano nga na tayong mga namatay sa kasalanan ay patuloy na mamumuhay pa roon? I Mga Taga-Corinto 10:1-12 ay nagturo sa atin kung bakit iniwan sa atin ng Diyos ang Matandang tipan (talatang 6). Ang mga ito ay halimbawa sa atin ngayon upang hindi tayo maghangad ng masasamang bagay tulad ng naging paghahangad nila. Huwag din nga kayong sumamba sa diyos-diyosan.... Huwag din kayong laging bumubulong.... Ang lahat ng mga bagay na ito ay nangyari upang maging halimbawa: Ito’y isinulat para maging babala sa atin na kung kanino ang mga katapusan ng mga kapanahunan ay dumating. “Ang lahat ng mga ito’y isinulat upang ating makita kung papaano nagdulot ng kapighatiang damdamin ng Diyos ang kasalanan, at kung papaano Niya ito hinahatulan at pinaparusahan. Ito po’y aral at turo ng Diyos ukol sa kasalanan.

Kaya tayo po’y magsisimulang tumanaw ng isa sa mga batayan o saligang mga aral at amga turo para sa buong Kristiyanismo ang aral ng Diyos, sino Siya, ano ang Kanyang palagay, paano Siya humawak o makitungo sa iba at kung papaano ang Kanyang dadamdamin ukol sa kasalanan! Hindi ito aral ng mga liberales, na naniniwalang ang Diyos ay pag-ibig. “Hindi ito ang ‘Diyos na pull chain’ na nagbibigay sa iyo ng kahit anong bagay na gusto Niya upang ika’y magikng malusog, mayaman at maalam, ngunit ika’y namumuhay sa iyong kagustuhan ng kalugod-lugod sa pansarili lamang at inilagay ang trabaho, tao, kayaman at kahit anong bagay sa harapan Niya. Ito ang Diyos ng Bibliya na lumikha sa atin upang tayo’y maglingkod sa Kanya, hindi Siya ang maglingkod sa atin. Ito po’y ang Diyos na nag-aasa na ikay po’y lubos na mananalig, pagpangaral, pag-ibig at pagsunod sa Kaniya. Oo, ang Diyos ay pag-ibig! Pahintulutan po nating galugarin ang Kasulatan ukol sa “pag-ibig” ng Diyos.

Isang Diyos ng pag-ibig ang naghagis kay Lucifer mula sa langit, sumpain siya sa kahatulang walang katapusan (Isaias 14:12); isang Diyos na pag-ibig ang naglagay ng “liham ng Kautusan” ang pamamahala ng Diyos kay Adan at Eva at pagkatapos nilang mahulog sa kasalanan pinaalis sila kaagad sa Halamanan ng Eden, panindigang lait para sa kanila (Genesis 2:16, 17); isang Diyos ng pag-ibig pag-ibig ang humatol na sirain ang Sodoma at Gomorrah sa pagkakasalang tulad ng ginagawa sa ating bayan at pantay-gawa rin sa halos lahat ng simbahan (Genesis 19:24); isang Diyos ng pag-ibig na umiibig kay Jacob.

At siyang may kapootan kay Esau (Mga Taga-Roma 9:13); isang Diyos ng pag-ibig na nakipagbuno kay Jacob at lumpuhin siya (Genesis 32:25); sa lahat ng panganay na lalaki (Exodo 7-12); isang Diyos ng pag-ibig ang lumunod ng mga sundalong Egipcio sa Red Sea o Pulang Dagat (Exodo 14:28); isang Diyos ng pag-ibig na pumatag ng 3,000 sa kaniyang mamamayan dahil sa pagsayaw na hobu’t hubad sa harapan ng isang guying ginto (Exodo 32:28); isang Diyos ng pag-ibig ang nagpadala ng apoy mula sa langit at pinatay ang sarili Niyang taong-bayan (Mga Bilang 11:1-3); isang Diyos ng pag-ibig ang nagpadala ng mababangis na ahas upang patayin ang Kaniyang taong-bayan, dahil sila’y nagsasalita laban kay Moises at sa Diyos (Mga Bilang 21:6); isang Diyos ng pag-ibig na pumapayag na maglagalag ang Kaniyang taong-bayan sa loob ng apat na pung taon sa desyerto (Mga Bilang 14:29); isang Diyos ng pag-ibig saan man sa libro ng mga Hukom pumayag na ang mga kaaway ng Israel ay magtagumpay laban sa kanila at gumawa ng pangangatay sa kanila, nang ang Israel ay tumalikod sa kanilang Diyos (Mga Hukom 10:6-9); isang Diyos ng pag-ibig na pumalo kay Nabal (I Samuel 25:38); isang Diyos ng pag-ibig na pumatay sa sanggol ni David (II Samuel 12:15); isang Diyos ng pag-ibig na siyang pumapahintulot sa mga kalaban ni Solomon na magtagumpay laban sa Kaniya dahil siya’y tumalikod sa Diyos (I Mga Hari 11:9, 10, 14, 23, 26); isang Diyos ng pag-ibig na pumapahintulot na ang Israel ay mabihag sa taon 721 BC (II Mga Hari 17:22, 23); sa taong 606 BC, itong Diyos ng pag-ibig pumapahintulot na mabihag rin ang Judah ng kanilang mga kaaway (II Mga Cronica 36:18, 19); isang Diyos ng pag-ibig na pumapahintulot na ang kanyang Anak ay ipinanganak, di-tanggapin, kutyain, pinahihirapan, ipinako sa Krus (Juan 3:16); isang Diyos ng pag-ibig na pumatay kay Ananias at Sapphira dahil sa kanilang kasinungalingan (Mga Gawa 5:5-10); isang Diyos ng pag-ibig na pumahintulot na ang pinakamatalik at pinakamalapit Niyang mga disipolo, mga apostol, at mga alagad na sila’y hampasin, latiguhin, sunugin, kinaing buhay, at pinahihirapan; mayroon siyang kapangyarihan sa paghinto o pagpigil sa bawat kilos ng kalupitan, ngunit “walang” ginagawa upang ito’y pigilan (Mga Hebreo 11); isang Diyos ng pag-ibig na nagbabala ng pitong Simbahan sa libro ng Pahayag kasama ng pagbabala dahil sa kanilang matamlay na puso; diyus-diyusang gawa, kakulangan ng “tunay na pag-ibig” (Pahayag 2:5, 6, 16, 20, 23; 3:2, 3, 15-19); at isang Diyos ng pag-ibig na loobing was akin ang buong sanlibutan sa pamamagitan ng kalayo, napakabagal, unti-unti, maparaan, sinasadya (Pahayag-Kabanatang 6, 15, 16). Pangwakas, isang Diyos ng pag-ibig na loobing magsabi sa bawat taong hindi ligtas, naghihingalo sa kanilang kasalanan matapos nilang itakwil ang kanyang libreng regalo ng kaligtasan, “Lumayo kayo sa akin, mga isinumpa, doon kayo sa apoy na walang hanggan na inihanda para sa diyablo at sa kaniyang mga angel” (Mateo 25:41).

Ang mga pangyayaring ito na nagbalangkas ng mga pakikitunguhan ng Diyos patungo sa tao kahit saan at sa lahat ng dako sa Bibliya O Banal na Kasulatan na ito’y nagbibigay sa atin ng isang Biblikong pananaw ng Diyos na hindi tinuro ng “one-sided, prosperity preachers.” Ang Mabuting Aral ay isang mahigpit, kahukumang katutuhanan na nagbibigay sa atin ng patnubay na dapat pô nating isasabuhay sa ating buhay ang lahat ng utos na iniutos sa atin ni Jesus. Ito po’y tuwiran O ayon sa mga bibig ng Diyos na tinatawag na Ang Salita ng Diyos (Jesu-Cristo at ang Banal na Kasulatan), na siyang katotohanan at ang patnubay (batayan) sa lahat ng katotohanan. Ito ay ang pag-uunawa sa biyaya ng Diyos nha nagligtas sa atin, na nagturo rin sa atin na tunay na umibig sa Diyos, matapos po nating nakita na tayo’y Kaniyang iniligtas. Sa pagkakataon O nang ang Mabuting Aral mula sa Salita ng Diyos ay naipangaral, ito’y nagbigay lakas ng Banal na Espiritu na nasa silid ng ating puso na nagbigay kasangkapang kinakailangan sa paghatol sa tin ng mga kasalanan na nasa bawat buhay pô natin sa pagkakataong tayo’y naturuan sa pamamagitan ng “kamangmangan ng pangangaral.” Kung ang pangangaral ay hindi humahatol, ito po’y hindi pangangaral, kundi pantaong pilosopiya at pantaong katuwiran.

Ang kaligtasan ng Diyos ay tinawag ding paglaya, na ito po’y nagmula sa kaligtasan nang tayo pô ay puspos ng banal na Espiritu ng Diyos. Itong paglaya ay ang kalayaan mula sa kasalanan at

Sa ating sarili nang tayo po’y nagging bagong nilalang (paglikha) at ang lahat na bagay ay binago ng lubos. “Kaya nga kung ang sinuman ay na kay Cristo, siya ay bago nang nilalang: Ang mga dating bagayh ay lumipas na; narito, ang lahat ng bagay ay naging bago (11 Mga Taga-Corinto 5:17). Ano ang pagbabago? Ang ating kaisipan, ang Banal na Kasulatan ay nagsasabi, “Magpanibago kayong muli sa espiritu ng inyong kaisipan.” (Mga Taga-Epeso 4:23); “Isuot naman ninyo ang bagong pagkatao na binago patungo sa kaalaman ayon sa wangis ng lumalang sa kaniya” (Mga Taga-Colosas 3:10); ang ating layunin (Santiago 4:15); Ang ating balak (Lukas 22:42), Ang ating naisin (I Mga Taga-Corinto 9:27); at ang tunay na kahulugan ng pamamalagi (Lukas 19:100, magbago tayo sa pamamagitan ng atin pong pakinggan ang Salita at magsisi.

Ang Mabuting Aral ay hindi malamig, matigas, theological approach sa Diyos, kundi ito po ay isang tunay na kaugnayang personal kagaya ng hindi Siya magpahintulot na tayo ay magpatuloy sa kasalanan.

“ … Magpatuloy ba tayo sa kasalanan upang ang biyaya ay sumagana? ”, Ang Mabuting Aral ay kung papaano ang diyos ay umaasa sa ating ilalaan ang Kanyang salita sa ating buhay bawat araw. Ito ay buhay! Juan 10:10 ay nagsasabi sa atin, “Ang magnanakaw ay hindi pumarito malibang siya ay magnakaw, pumatay at maminsala (ninakaw ni Satanas ang ating mga pagpapala mula sa Panginoon, mga gantimpala, at kapayapaan); Ako ay narito upang sila ay magkaroon nitong may lubos na kasaganaan. Itong “buhay na lubos na kasaganaan” ay kapuwa pangkatawan (pisikal) at pangkaluluwa (espiritual) dahil ginawa tayong bagong nilalang ng Panginoong Jesus na hindi na tayo alipinin O isailalim sa mga bagay ng mundong ito. Tito 2:11, 12, “Ito ay sapagkat ang biyaya ng Diyos na nagdadala ng lakigtasan ay nahayag sa lahat ng mga tao, ito ay nagtuturo na mamuhay tayong tumatanggi sa hindi pagkilala sa Diyos at makamundong pagnanasa, na dapat tayong mamuhay na may mabuting paggamit ng isip, mamuhay na matuwid at mamuhay na may pagkilala sa Diyos sa kasalukuyang panahon. Isa bang pang-aalipin ang Mabuting Aral? Tatanungin mo ang iyong sarili, manatili ka bang mabuhay kahit walang telebisyon? Patuloy ba kayong pupunta sa simbahan at “maglaan para sa Diyos,” kung sakali ang iyong simbahan ay hindi nagkaroon ng makamundong pang-aaliw? Ang pagsasamba ba ay mas mahalaga para sa iyo kay sa iyong trabaho? Ikaw ba’y matapat sa iyong pagbibigay ng (tithes) ikasampung bahagi at mga alay na may buong kagalakan? Sinoang alilain? Kung ang iyong sagot ay hindi kahit isa sa lahat ng mga katanungang ito, ika’y alipin sa mundo, sa laman, at sa diyablo. Ang pagkamatimbang sa sanlibutan ay pagka-alipin nito! Ang Mabuting Aral ay nagtuturo ng tunay na kalayaan mula sa pagka-alipin sa sanlibutan—tunay na kalayaan, ang paglagay bilang unang puwesto O pangunahing persona kay Cristo at Siya po lamang at wala na ng ibang diyos-diyosan sa iyong buhay, lubusang pagtitiwala, pananalig, at pangangapit sa Kaniya! I Pedro 1:13-17 ay nagtuturo sa atin ng tunay na kalayaan at papaano ito taglayin. “Kaya’t iyong bigkisan ang mga baywang ng iyong pag-iisip, magkaroon kayo ng maayos na pag-iisip, at lubos kayong umasa sa biyayang tatamihin ninyo kapag nahayag na si Jesu Cristo, tulad ng mga masunuring anak, huwag na kayong makiayon pa sa dating masidhing pita noong kayo ay wala pang pang-uunawa; at sapagkat ang tumawag sa inyo ay banal, magpakabanal din kayong tulad Niya sa lahat ng inyong pag-uugali; Sapagkat ito ay nasusulat, magpakabanal kayo sapagkat Ako ay banal. Ang Ama ay humahatol nang walang pagtatangi ayon sa inyong pag-uugali ay dapat may pagkatakot sa panahon na kayo ay namumuhay bilang mga dayuhan. “Ito ay ang kaisipan ng Diyos na inilaan sa buhay sa bawat ginawa mo sa bawat araw. Ang Mabuting Aral ay ang pagtuturo ni Jesus na sinasabi Niya sa kanyang mga disipulo. Ikaw ba ay isang disipulo? Basahin mo ang Lukas 14:25-35.

Previous Page ArrowsNext Page

 

Home
Bible School
Order Free Cassettes or CD's
Free Literature & Booklets
Mission Partners

Back Next