Para Kanino Itong Mabuting Aral?
Ang mabuting aral ay 180 digri na kasalungat sa ating kaisipan, kagaya ng sinabi ng Diyos sa atin sa Isaias 55:8-11, “Sapagkat ang aking mga pag-iisip ay hindi ninyo pag-iisip, alin ma’y hindi ko mga lakad ang inyong mga lakad, sabi ng PANGINOON. Dahil sa kagaya ng ang kalangitan ay lalong mas mataas pa kay sa lupa, sa gayon ang aking mga lakag ay mas mataas pakay sa inyong mga lakad, at ang aking mga pag-iisip ay mas mataas pa kay sa inyong pag-iisip. Dahil sa kagaya ng ang ulan ay lumalagpak, at ang niebe ay mula sa langit, at hindi bumabalik doon, kundi dinidilig ang lupa, at pinasisibulan at pinatutubuan ng halaman, upang sa gayo’y nagbibigay ng binhi sa maghahasik, at pagkain sa mangangain: Magiging gayon ang aking salita na lumalabas sa aking bibig: hindi babalik sa akin na walang-laman, kundi gaganap ito ng kinalulugdan do, at ito’y magtatagumpay sa bagay na aking pinagsuguan nito.”
Mayroon akong mga bata na pinakamamahal kong higit!! Dahil mahal ko sila, sinabihan ko sila ng mga bagay na hindi nila nagustuhang marinig tulad sa: Huwag maglaro sa kalye. Ngayon, sinabi ko ba sa kanila na hindi sila maglaro sa kalye dahil poot ako sa kanila?? Hindi, sinasabi ko ito sa kanila dahil mahal ko sila, at gusto to SILA na maging walang-panganib sa anumang kasamaan. Ang Diyos ay gumawa rin nito para sa kaniyang mga kaanakan. Siya ay nagbigay sa atin ng mga turo at mga patnubay na ipinahayag sa kaniyang salita para sa ating ikabubuti upang patuloy tayong manglingkod at magmahal sa Kaniya. Ang ganitong mga Mabuting Aral ay nagpapanatili sa atin na magiging malapit sa Panginoon sapagkat tayo ay ilalayo sa pagkakasala. Maraming pagkakataon na ako po’y nagulat sa maraming mga taong napaligaw at humingi ng pamamatnubay sa kanilang buhay. Mga Hebreo kabanatang 11 nagsasabi sa atin sa mga taong lumakad sa pananampalataya. Hindi lamang naligtas ang kanilang kaluluwa, kundi sila rin ay nagkaroon ng patnubay sa buong buhay nila sa pagsunod sa kautusan ng Diyos at kalooban para sa kanilangt buhay. Pinahayag nila ang kanilang pananampalataya hindi lamang sa kanilang puso kundi lalo na sa kanilang mga gawa. Halimbawa, si Abraham, nagpahayag sa atin sa mga Hebreo 11:8-10 na kanyang pinapatnubayan ang kaniyang buhay ayon sa pananampalataya halimbawa Makita po natin na siya ay “Sumunod … lumabas … nanuluyan … tumira … inaasahan niyang Makita ang isang lungsod … na ang Diyos ay siyang nagplano at nagtayo.” Bawat aspeto o bahagi ng kaniyang buhay ay pinapatnubayan niya sa pananampalataya, at ang Diyos ay nagpangaral sa kaniya. Samakatuwid, nang siya ay sumunod sa kaniyang asawa sa pamamagitan ng maling disisiyon, pag-iisip at paggawa ayon sa laman at hindi ayon sa “Salita ng Diyos” siya ay nagkaroon ng kaguluhan na nagging sanhi ng paghahati at ang temporariyong pag-alis ng mga pagpapala ng Diyos. Kaniyang nabatid na ang pagsunod sa kautusan ng Diyos ay ang pinakamabuti para sa kaniya. Ang mga kautusang ito’y hindi nag-aalipin sa kaniya, kundi ito’y nagturo sa kaniya na malapit sa Panginoon at lumayo sa laman. Mga taga-Galacia 4:22, 23 nagsabi, “Sapagkat sinasabi ng kasulatan, na si Abraham ay may dalawang anak na lalaki, ang isa ay anak sa aliping babae, ang isang anak sa babaing Malaya. Subalit ang anak sa aliping babae ay isinilang ayon lamang sa paraan ng laman; ang anak ng malalyang babae ay isinilang sa pamamagitan ng pangako. Ang isa ay isinilang dahil si Abraham ay natukso sa mga kalagayan at hindi niya nakuha ang patnubay ng Panginoon sa kaniyang buhay, at ang isa naman ay isinilang dahil sa makatuwid siya ay nagsisi sa pansarili niyang pag-iisip at siya’y sumuko sa Panginoon at sa kaniyanbg sarili. Paano mo ginawa ang iyong mga kapasiyahan? Ikaw ba’y tumingin sa paligid sa mga kalagayan o kaya’y ikaw ay humingi at hanapin ang kalooban ng Panginoon na matagpuan po lamang sa kaniyang salita? Mga Awit 119:133a, “Utusan mo ang aking mga hakbang sa iyong salita.” Binasa mo ba ito, pahintulutan mo ba sa pamamagitan nito lamang?
Mga Hukum 21:25 nagsabi, “Nang mga araw na ya’oy walang hari sa Israel: ginagawa ng bawat isa ang matuwid sa kaniyang sariling mga mata.” Nagbibigay ang Diyos ng ganap na patnubay sa bawat isa na humihingi ng patnubay sa kaniya at kaniyang ganap na kalooban. Taglay mo bang hinihingi sa Kaniya ito?
Ang aking mga anak pwede nilang tingnan ang mga reglamento na aking ibinigay sa kanila sa iilang mga paraan. Sila’y pwedeng gumawa ng masamang saloobin at umangal, pwede rin silang maghimagsik laban sa mga it, o kaya’y lubos nilang sundin dahil nalaman nilang nasa isip at kung lubos nila itong kapakinabangan at panatiliin silang bantayan upang walang-panganib. Kung ika’y ligtas, ika’y isang anak ng Diyos. Ang Diyos ay gumawa ng balangkas ng Kaniyang mga utos at katuruan, na mabuti o malusog na aral na kanyang inilagay para sa atin mula pa sa pagtatag ng mundo. Ang mga aral na ito’y nagsasabi sa mga tao kung paano mamumuhay at umasa mula sa isang tao na umiibig sa Panginoon at nais magbigay kasiyahan sa kaniya. Ang mga aral na ito ay nagbalangkas sa tungkulin ng babae na hindi lamang nakatutulong sa kaniyang sarili at sa kaniyang asawa, kundi ito’y tumutulong patubuin ang bagong mga salinlahing lalaki at babae, na tinuturuan sa mabuting halimbawa at mga turo sa kanilang mga magulang paano mamumuhay, ano’ng dapat gawin, paano gumawa, paano magdasal, ano ang dapat ibigin, nauunang bagay sa buhay, ano ang dapat talikuran, at ano ang kagalak-galak at hin kagalak-galak sa Diyos.
Itong mabuting aral o turo ay nagsali ng bawat tanong na kailan ma’y nais nating malaman at abot bawat kalagayan ng ating buhay mula sa ating pagsilang patungo sa pagkamatay. Bawat bagay na ang ating mapagmahal na Amang Makalangit gusto Niya na ating malaman at gawin ay Makita po natin sa Kaniyang salita. Ito ay nasa ating pagpili na hanapin na matindi at siyasating buong puso tulad ng isang natagong kayamanan. Kawikaan 2:1-6 nagsasabi sa atin, “Anak ko, kung iyong tatanggapin, (tanggapin) ang aking mga salita, at itago ang aking mga utos sa iyong sarili; na ano pa’t iyong ikikiling ang iyong pakinig sa karunungan, at ihihilig mo ang iyong puso sa pangunawa; Oo, kung ikaw ay makamtan ang kaalaman, at ilaan sa iyong puso sa pag-unawa; Kung iyong hahanapin siya katulad ng pilak, at sasaliksikin mo siyang katulad ng natatagong kayamanan; Pagkatapos iyong maunawaan ang pagkatakot sa Panginoon, at matagpuan mo ang kaalaman ng Diyos. Sapagkat ang Panginoon ay nagbibigay ng karunungan: sa kaniyang bibig nanggagaling ang kaalaman at kaunawaan. “Bigyang pansin ang lahat ng galaw na dapat gawin sa isang tao na gusting makamit ang karunungan na makita sa Bibliya! Ito iyong sinabi ng Santiago 1:22. “Maging tagatupad kayo ng salita at huwag maging taga-pakinig lamang, na dinadaya ninyo ang inyong mga sarili.”
Napakaraming Cristiyano na hindi nakakaalam na ang Bibliya ay ang Salita ng Diyos; ibinigay ito ng Diyos sa atin upang isagawa ito para sa ating ikabubuti! Ang isang tagatupad ng Sali ay dapat niyang loobin na gawing tiyak upang sa gayo’y maisagawa ng lalaki o babae and kanilang paper o tungkulin na bigay ng Diyos kahit ano man ang ginagawa ng mundo, ano ang pag-iisip nito, o kaya’y ang sinasabi nito. Ganon iyon!! Problema mo na iyon! Sinabi mo sa Diyos kung ano ang dapat mong gawin at kung paano kayo’y maglingkod sa kaniya ano man ang mga sakripisyo na dapat mong gawin o hindi gawin. Sinabi mo sa kaniya na ano ma’ng mangyayari sa halip na iyong tanggapin ang kaniyang salita, itago o pag-iingatan ang kanyang utos, ikikiling ng iyong tainga, ilalaan sa iyong puso, dadaing para sa karunungan ng Diyos, itataas mo ang iyong tinig sa pag-unawa, at saliksikin. Isa pang paglalarawan ng mabuting Aral ay makikita sa mga kawikaan 2:10-16. Sa iyong pagbabasa nitong bahagi ng Kasulatan, tingnan mong mabuti upang Makita mo ang mga kasalanang dapat iwasan sa pamamagitan ng pahintulutang pumasok ang karunungan at kaalaman sa iyong puso at kalugod-lugod sa iyong kaluluwa. Pansinin na wala itong nabanggit na pangangatuwiran na mga Malabo o di sukat mapaniwalaan ng mga gawi o humilig sa kasalana. “Nang ang karunungan ay papasok sa iyong puso, at kaalaman ay kalugud-lugod (nakalulugod, matatag) pa sa iyong kaluluwa; kabaitan (pasiya, tanging kapasiyahan0 ay magbabantay sa iyo (pananatiliin ang iyong kaugnayan sa Diyos), pagkaunawa (matalas na pang-unawa) ay mag-iingat sa iyo: Upang iligtas (ilaan, iingatan) mula sa daan (kaugalian, masamang pag-iisip), ng masamang tao, mula sa taong nagsisipagsalita ng lisya (di-matuwid, o mapanlinlang) na mga bagay; Na umalis sa mga landas (makitid na daan) ng katuwiran, upang magsilakad sa mga daan ng kadiliman (malapad na daan); Na nangagagalak na magsigawa ng kasamaan, at nang aaaliw sa mga karayaan ng masamang tao; Na ang kanilang mga daan ay baluktot, at sila ay di-matuwid sa kanilang mga landas: Upang iligtas (ilaan, iingatan) ka sa ibang babae (di-ligtas, kalapating mababa ang lipad, makamundong pag-iisip). Kahit na sa banyagang nanghahalina ng kaniyang mga salita. “Bigyan mo ng pansin kung ang karunungan at kaalaman ng Diyos ay hindi kalugud-lugod sa iyo, hindi sana ikaw mailigtas mula sa mga taong nagagalak at liligaya sa paglalabag ng Diyos!!! Bakit ba ang mga Cristiyano ay tumalikod sa pananampalataya? Bakit napakaraming makalaman, di-masanling diborsiyo?? Ang Mabuting Aral ng Diyos kailan ma’y hindi nakapaso sa kanilang puso at ang kaalaman ng Diyos ay hindi nakalulugod sa kanilang mga kaluluwa. Sila’y nagsisigalak sa kanilang sariling pag-iisip at pangangatuwiran, at walang pagmamahal sa kautusan o Mabuting Aral ng Panginoon. Mga Awit 19:7-11 ay mga salita ni David nang ilarawan niya ang kaniyang kaugnayan kasama ng Diyos at ng kaniyang kaisipan tungkol sa Mabuting Aral ng Diyos. Basahin mo itong tadhana at tanungin mo ang iyong sarili ng buong pusong katapatan: Ito ba’y aking tunay na damdamin tungkol sa 6 na kautusan ng Diyos? Ang salita ba ng Diyos ay para sa akin ay higit kong pinipita kay sa dalisay na ginto at lalong mainam kay sa pulot, o kaya ay ginagawa ko ang lahat ng bagay “na matutuwid sa aking sariling pananaw? Ang mapait na bunga o katapusan sa kanila na hindi nagmamahal at hindi iniilaan ang Salita ng Diyos kagaya ng ginawa ni David ay makamundo, makalaman, liberalismo, makasarili, diborsiyo, di-moral, pakikiapid, pangangalunya, pagkakapasubo, walang kapangyarihan ng Banal na Espirito, at and buhay na mailalarawan sa walang katapusan na sasabihing walang kabuluhang pag-aaksaya ng panahon. I Mga Taga-Corinto 3:15 ay nagsasabi sa atin “Kung ang gawa ng sinuman ay masunog, malulugi siya. Gayunman, maliligtas siya ngunit tulad ng dumaan sa apoy.”
Kaya atin pong nalalaman dahil ang Diyos ay nagsabi nito, na hindi tayo nag-iisip tulad sa Kaniya, hindi tayo kahit saan malapit na matanto ang Kaniyang daan sa ating sarili. Jeremias 10:23 nagsabi sa atin, “Oh Panginoon, talastas ko na ang daan ng tao ay hindi sa kaniyang sarili: hindi para sa taong lumalakad na patnubayan ang kanyang mga hakbang.” Sinabi ni Solomon sa atin sa Mga Kawidaan 20:24 Ang mga lahod ng mga tao ay sa PANGINOON; Paano ngang mauunawa ng tao ang kanyang lakad?” Kaya ang Mabuting Aral ay para sa kahit sinuman na sumasaliksik sa katutuhanan at naghahangad na makilalang lubos ang Diyos (Mga Taga-Filipos 3:30). Paano po natin maunawaan ang Diyos at malaman ang pag-iisip ng Diyos? Kasiya-siya ang pag-iisip ng Diyos ay ang pinakabatayan sa mga Aral ng Salita ng Diyos.