I Mga Taga-Corinto 10:31 nag-uutos ng mga Kristiyano, “Kaya kung kayo’y nagsisikain man, o nagsisiinom man, o anoman ang inyong ginagawa, gawin ninyo ang lahat (bawat bagay) sa ikaluluwalhati ng Diyos.” Kasama na rito kung ano ang iyong pinapanood!! Gaano kasagana ang telebisyon?? Kayo ba’y nakahikayat ng mga kaluluwa samantalang ika’y naaliw at dayain sa iyong sarili?? Ikaw ba’y natulungan na hilahing lalo pang malapit sa Panginoon sa pamagitan ng iyong panonood ng pananabik ng laman, ng mga mata, at ang kayabangan ng buhay? Tuwing pinatay mo ang iyong telebisyon, ikaw ba’y balisang nagpasalamat sa Panginoon sa lahat ng bagay na iyong napanood? Ikaw ba ay nagpasalamat sa Panginoon na binigyan ka niya ng mga mata, upang aksayahin ang iyong oras sa harapan ng TV(Telebisyon)?? Ang “religious broadcasting” na nahaluan ng makamundong aral sa halip ng dalisay na katotohanan at iyon ba’y nakatutulong na lumago ka sa kabanalan dahil ang Diyos ay banal?? Ang mga commercials o patalastas ay nagdulot sa iyo ng pighati sa kasalukuyan mong situwasyon sa kanilang alindog at kinang at maling pilosopia, sila ba’y nag-aalay papuri sa Panginoon?
Si Pablo ay nangaral na mayroong pandama ng kailangan na tuparin agad, sapagkat alam niya na si Jesus ay lubos na babalik agad!!! “Mabuti na rin” sabi mo, “Samakatuwid umabot na ng dalawang libong taon ang lumipas at Siya ay hindi pa rin dumating! O, ngunit si Jesus ay dumating na. Siya’y dumating na para sa mga taong nasa kapaligiran mo na napatay na hindi handing sumalubong sa kaniya. Maaring darating si Jesus sa lalong madaling panahon na hindi mo iniisip, alin man sa panahon na tayo ay agawin paitaas (Rapture), o sa panahon ng kamatayan dahil tapos na ang iyong oras. Makamit mo rin ba ang korona sa pagiging matapatang panonood ng telebisyon o (television watcher’s crown) sa langit?? Nagsabi si Pablo sa I Mga Taga-Corinto 15:58 “Kaya nga mga minamahal kong kapatid, magpakatatag kayo, huwag makilos, na laging sumasagana sa gawa ng Panginoon, yamang nalalaman ninyo na hindi walang kabuluhan ang inyong gawa sa Panginoon.” Muli, ako’y magtatanong, ang pag-upo sa harapan ng telebisyon at ang pagpapahintulot mo sa mga di-ligtas na mga tao na “nag-impluwensiya” sa iyo ng balakyot na mga palatuntunan sa palagi mong pagsusubaybay sa kanila sa iyong harapan, para sa iyo ito ba’y palaging nanagana sa gawian ng Panginoon?
II Pedro 3:14 pinasigla ang ating loob, “Kaya nga, mga minamahal, yamang kayo’y nagsisipaghintay ng mga bagay na ito, ay pagsikapan ninyong masumpungan kayo sa kapayapaan, na walang dungis, at walang kapintasan sa paningin niya.” Kayo ba’y nagiging walang dungis o walang kapintasan sa panonood mo ng telebisyon, kung ikaw ay naroon na sa harapan ng Panginoon?? I Mga Taga-Corinto1:8 nagsasabi, “Siya ang magpapatibay sa inyo hanggang wakas, hindi maparatangan (walang mantsa sa sanglibutan) sa araw n gating Panginoong Jesu-Cristo.” Mga Taga-Filipos 1:10 isinalaysay, “Upang inyong kilalanin ang mga bagay na magagaling (mayroon bang mga bagay na magagaling sa telebisyon?), upang maging mga tapat at walang kapintasan hanggang sa kaarawan ni Cristo; Na mangapuspos ng bunga ng kabanalan, na ito’y sa pamamagitan ni Jesu-Cristo, sa ikaluluwalhati at ikapupuri ng Diyos.” I Mga Taga-Tesalonica 3:13 “Upang patibayin niya ang inyong mga puso, na walang maipipintas sa kabanalan sa harapan ng ating Diyos at Ama, sa pagparito ng ating Panginoong Jesus na kasama ang kaniyang lahat na mga banal.” Paano ika’y maging walang kapintasan sa kabanalan sa harapan ng Diyos, samantalang palagi kang nanonood ng iyong telebisyon?? Hindi lamang na inaaksaya mo ang iyong oras o panahon, kundi pinahihintulutan mo itong telebisyon na siyang magpasiya kung anong uri o klaseng relasyon o kaugnayan na iyong iaalay o ihahandog sa Panginoon!