<%@ page contentType="text/html; charset=iso-8859-1" language="java" import="java.sql.*" errorPage="" %> Mga Taga - Efeso 5:16

Mga Taga-Efeso 5:16 nag-uutos sa atin, “Na inyong samantalahin ang panahon, sapagkat ang mga araw ay masasama.” Ito’y isinulat halos 2000 taon na ang nakaraan o lumipas, subalit ang panahon ngayon ay lalo pang masama at si Cristo ay babalik sa lalong madaling panahon! Tayo bilang mga Kristiyano ay huwag natin na sayangin ang mga panahon, tayo na mga gala at dayuhan dito sa balakyot na mundong ito.

“Huwag na tayong mag-aksaya ng panahon upang matutunan ang mga daan ng gentil o pagano.” Sa lalong maikling panahon, itong mga gentil o pagano ay hahatulan, at tayo ay sa harapan ng Panginoon na nakatayo at magbibigay paliwanag kung papaano natin ginamit ang panahon na binibigay ng Panginoon dito sa lupa. Sayang na sayang ang panahon na aksayahin hindi lamang para sa walang kabuluhang bagay na gamitin upang maaliw ang sariling laman sa karumihan ng mundo o sanglibutan ito, kundi napakasayang dahil ito’y lubusang inaaksaya na nagiging sanhi na walang panahon kasama ang mga anak at asawa.

Tingnan po natin kung mayroon ka pang sapat na panahon para sa telebisyon. Heto ang iilan sa mga katanungan na dapat mong sagutin upang tingnan kung mayroon kang “extra time” o “ labis na kailangan na oras”

  1. Ginaganap mo ba na bigyang pansin ang mga gawaing bahay ng iyong mga anak sa bawat gabi?
  2. Ginaganap mo bang maghanda ng tatlong beses na gawang bahay na pagkain sa iyong tahanan sa humigit kumulang na iyong-iyon din na oras bawat araw?
  3. Ginaganap mo bang magdasal kasama ang iyong mga anak bago sila matutulog?
  4. Ginaganap mo bang basahin ang iyong Bibliya sa bawat paggising sa umaga?
  5. Ginaganap mo bang basahin ang iyong Bibliya sa bawat bago matutulog sa gabi?
  6. Ginaganap mo bang tumulong sa ibang tao bawat araw?
  7. Ginaganap mo bang sumasaksi sa di-ligtas bawat araw?
  8. Ginaganap mo ba kung paano gagawin ang iyong tungkulin bilang isang asawang lalaki, asawang babae, manggagawa, amo, at iba pa, dahil ang Diyos ang siyang nagdisenyo o nagplano ng isang katungkulan para sa iyo na isa mo ring panangutan sa kaniya.
  9. Ginaganap mo ba bilang isang asawa na babae ang kaalaman sa pagluluto, paglilinis, at pagmamahal ng iyong asawang lalaki?
  10. Ginaganap mo ba na magbigay panahon na ikaw at ang iyong asawa ay mayroong pagkakataong “makipagtipan”?
  11. Kayo ba ay walang utang tulad sa inuutos ng Bibliya sa atin na “huwag magkautang ng kanino man” (kung ika’y may mayroong utang, ang paguupo sa harapan ng TV (Telebisyon) ay hindi makabayad ng iyong mga kwenta!!!)?
  12. Ginaganap mo ban a magbigay panahon makikinig sa iyong asawang babae at mga anak?
  13. Ginaganap mo ban a matuturuan ang iyong mga bata na dapat sila marunong bumasa at sumulat sa gulang na 3 at 4 na taon?
  14. Ginaganap mo ba na matuturuan an gang iyong mga anak kung paano umuupo ng tahimik at magpakabait o sila ba ay palaging aliwin??
  15. Ginaganap mo ba na sa iyong buong kakayahan na turuan ang iyong mga anak sa pagsunod at isasabuhay ang “Bible Stories at Bible Characters” na gawing tularan o ehemplo sa kanilang buhay, o sila ba ay palaging nagsasalita tungkol sa Sesame Street, Barney at ang Simpsons (iilan lamang ito sa aking nalalaman, ngunit tama na iyon – Mahal ko talaga ang aking mga anak kaya hindi ko papayagang ma-impluwensiya sila sa ganong basura!).

 

Kung ang sagot mo ay “hindi” sa kahit saan sa mga katanungang ito, samakatuwid kinakailangan naihagis mo ang iyong telebisyon, dahil ito’y nagbigay daan na lumayo at hindi pagtutupad sa mga tungkulin sa harapan ng Diyos!

Mga Taga-Colosas 4:5,6 nag-uutos din, “Mamuhay kayong may karunungan sa kanila na mga nasa labas (di-ligtas), at samantalahin ang panahon (gamiting maayos ang iyong panahon). Ang iyong pananalita ay maging mapagbiyaya lagi (awa ng Diyos), may lasang asin (ang katotohanan ng hatulan ng Diyos), upang malaman ninyo kung ano ang dapat ninyong isagot sa bawat isa (sa iyong pagbibigay aral sa kanila). Kayo ay tatayo sa harapan ng Diyos at magpaliwanag para sa bawat tao na dapat mong pangaralan, sa halip na mag-aksaya ng iyong panahon sa harapan ng TV o TELEBISYON.

Ang iyong mensahe tungkol sa kabanalan at katuwiran ay hindi magkaroon ng lasang asin, sapagkat ang iyong kaisipan ay makamundo. Ako’y namangha na ang mga Cristiyano o Kristiyano ay nalilinlang na iyon ay mabuti! Tapos ko tinanggihan ang lahat ng makamundong kaisipan at hindi pinahihintulutang mag-impluwensiya sa aking buhay sa mga taong ito at nang ialay ko ang buong buhay ko na sumunod sa Panginoon at kanyang salita, nakikita ko ang sanglibutan na katulad sa pananaw ni Cristo – walang pag-asang nawala, sumalungat sa katotohanan, at hahatulang pa-impyerno. Lalo akong nag-abala nang makita ko ang mga Kristiyano na tumatanggi sa katotohanan, nang komprontahin ko sila tungkol sa isyu ng telebisyon. Ako po ay nagdaramdam na magsasabi na sila ay makamundo, makalaman, sa labas ng iglesia, dibursiyo, rebelde o maghihimagsik, nasisinsayan. Sila ay nakadalaw sa aming tahanan (kung saan ang aking mga anak ay nakasuot ng konserbatibong damit, nakatabon mula sa le-eg hangga’t bukong bukong o buol), tinuruang magtrabaho, magtaglay ng mabuting asal, maging magalang, magandang loob, mapitagan, at mapagmahal), subalit ang kanilang mga anak, karamihan sa mga babae ay nakasuot ng makipot na pantalon, makipot na T-shirt, mababang tabas na blusa, mini skirts, makamundo, faddish clothing, na may mapangahas, sassy attitudes tulad ng masamang babae na mabasa sa Mga Kawikaan7:13 na ang mga anak nila ay “nayayamot” nakakainip ang bagay ng Panginoon para sa kanila, at di-maasikasuhin. Ang mga babae ay hindi marunong magluto at maglinis at iba pang gawaing bahay. Walang pangarap na matuto. Ang mga anak na lalaki ay hindi matapat sa kanilang pagtatrabaho bawat araw sa kanilang buhay. Sila’y mayabang na nagsasabi na wala silatungkulin at gawaing bahay na gagampanan. Ako’y nakarinig ng isang “bantog na mangangaral” na may mga malalaki at kumukompromisong simbahan na tumatawa tungkol sa kasangkapan pangwasak ni Satanas. Samantala hindi tumatawa ang Diyos sa langit sa kawasakang na sanhi nito.

Si Jesus ba ay nanood ng telebisyon????? Isang matunog na Hindi, Hindi, Hindi, Hindi, Hindi!!!!! Nalaman na Niya na ito’y darating at nangaral siya laban nito!!!

Previous PageArrows Next Page

 

Home
Bible School
Order Free Cassettes or CD's
Free Literature & Booklets
Mission Partners

Back Next