%@ page contentType="text/html; charset=iso-8859-1" language="java" import="java.sql.*" errorPage="" %>
Ito’y Nagpapahina sa Iyong Isipang Espirituwal
Ang mga ito ay simula pa lamang ng mga talata na makita po natin sa Salita ng Diyos na nagsasabi sa atin tungkol sa pagkakaiba sa pagitan ng masamang pilosopia ng telebisyon na sumasalungat sa katuwiran ng Diyos na tinuturo ayon sa kaniyang Salita.
Basahin ang IPedro 1:13, “Kaya’t (sa ganitong katwiran) iyong bigkisan (iyong palakasin) ang mga baywang (ang baywang ay nagtaglay ng lakas) ng inyong pagiisip (isipan,larawang isip)…”
Si Pedro ay nagsabi sa atin nito sapagkat tayo ay binibigyan ng buong larawan at tayo ay nagtaglay nagtaglay ng buong Salita ng Diyos (kasama na ang lahat ng propesiya at ang katuparan nito), dapat palakasin ang ating kaisipan ng katuwiran upang tayo’y magiisip tulad ng pagiisip ng Diyos. Ang brainwashing ay palaging iniisip na napakasama, ngunit ang Bibliya ay nag-uutos sa atin na pahintulutan ang Diyos sa pamamagitan ng kaniyang Salita na maglilinis sa ating kaisipan. Mga Taga-Efeso 5:26-27 ay nagsasabi “Ito ay upang kaniyang gawing banal at hugasan ito (ang iglesia) sa pamamagitan ng paghuhugas ng tubig sa pamamagitan ng salita (Brainwashing!!), Ito ay upang maiharap niya (tayo ang iglesia) sa kaniyang sarili na isang marilag na iglesia, walang batik, o kulubot o anumang mga gayong bagay (walang anumang kamantsahan mula sa sanglibutan); sa halip (tayo ang iglesia) na maging banal at walang kapintasan (tulad Niya na banal).”
Mga Taga-Efeso 6:14 kasama ito mula sa talata 13, “Tumayo nga kayo (kilalanin ang iyong pananampalataya at huwag magkompromiso), na nabibigkisan (palakasin) ang inyong mga balakang (ang lakas ng inyong kaisipan) ng katotohanan (Salita ng Diyos), at isuot ninyo baluting pandibdib ng katuwiran.” Isaias 11:5 ay propesiya tungkol kay Jesus, ang Sanga na nagsasabi tungkol sa kaniyang lakas, “At katuwiran ang magiging bigkis ng kaniyang baywang, at pagtatapat ang pamigkis ng kaniyang mga balakang.” Ang brainwashing na ito ay nagmula sa kaisipan at pagtuturo ng doctrina ng sanglibutan patungo sa matuwid at banal na Salita ng Diyos. Ito ang dahilan na ang sinumang nagkaroon at nanonood ng telebisyon ay natalo na sa labanan sa pagiging kaisipang dalisay. Ang akala nila na kapag hindi sila nakapanood ng hubut hubad at pagtungayaw na sila ay nakalulusot at ayos na, ngunit ang pilosopia ng sanglibutan (ay sumisira sa Kristiyanismo sapagkat ito’y nagkompromisong “umangkop” at “umayon”) ito ang itinuturing kahulugan ng tama at mali sa mga pulpito ng sanglibutan!!! Kahit ano pa ang sasabihin ng mga tao na kasalungat sa katotohanan ay walang kabuluhan!!!! Ang Diyos ay banal at Siya rin ay umaasa sa atin na bantayan ang ating kaisipan na hindi marumihan ng maruming pag-iisip at kaisipan ng sanglibutan.
Isang araw ilang taon na ang lumipas, nang ako ay nakaisip na magkaroon ng ilang sine o cartoons na gawa ng sanglibutan upang ang munting pamilya ko ay makapanood na aming “pang-aliw” sa gabing iyon. Pumunta ako sa video store at pumili ng iba’t ibang uri ng mga palabas o sine; nang ginawa ko iyon, dumating sa aking isipan ang mga katanungang ito, sa aking sarili, “Nakatutulong ba ito na magiisip ng banal na pagiisip at nagbibigay puri at kaluwalhatian ng Diyos? Magaling, ang lahat ng sine o palabas o pelikula ng “cops and robbers” movies, lahat ng children’s cartoons (puno ng pandarahas, kasinungalingan, sumingit na panakaw, pandaraya at walang galang, at iba pa), lahat ng pelikula tungkol sa “pamilya” (walang tatay, walang pamilya at walang Bibliya), lahat ng “westerns” (puno ng mga bulwagan, pandarahas, mga babae, walang daluhan sa simbahan, walang pag-aaral sa Bibliya at walang panahon sa pananalangin). Lahat ng Andy Griffith Show (walang disiplina, walang pananalangin, walang Jesus at walang Bibliya – napakasamang pilosopia tungkol sa pag-aalaga ng bata o child rearing), at ang lahat ng “religious Hollywood” movies tulad ng “Ang Sampung Kautusan” o “The Ten Commandments” (na hindi ayon sa katotohanan ng kasulatan; mayroong sayawan; hindi banal na kasuotan na soot ng mga babae, hindi banal na pansoot at manunuksong asawa ni Paraon at iba pa). Iniwanan ko ang store na dala ko ang pelikula ng “Sampung Kautusan”, at kinabukasan nagdaramdam din ako. Humingi ako ng paumanhin at patawad sa Panginoon, tapos ko mapanood ang napakaruming basurang pelikulang iyon. Huwag mong pahintulutan na ang Hollywood ay mag-impluensiya sa dalisay mong kaisipan at huwag mong bigyang pagkakataon na ang Disney ay magdikta sa iyong mga bata papaano sila magiisip. Lahat ng mga cartoons ay mayroong pilosopia na tuwirang sumalungat sa Bibliya. Nasaan ba ang kabanalan ng Diyos sa kanila??? Nasaan ba ang matuwid na pagiisip tungkol sa Diyos sa kanila? Paano sila makatulong sa pagsulong ng ebangeliyo??? Papaano sila hilahin na mas malapit sa Diyos o lalo pang magdarasal o lalo pang magbasa ng Bibliya??? Nasaan ba ang kasiyahang-loob tinuturong magtanggi (commercials breed isang kakulangan ng kasiyahang-loob)? Gaano karami ang mga anak na napabayaan o di-napansin ng kanilang ama at ina na lubhang lipulin sa kanilang nagugustuhang “Filthcom” o “Sincom”???????
Basahin mo ang mga talatang sumusunod at pagkatapos manood ka ng telebisyon at sabihin mo sa akin nakatulong iyon sa iyo na “mabigkisan ang balakang ng iyong kaisipan” na inuutos dito.
Mga Taga-Roma 12:2 nagsabi sa atin “At huwag kayong magsiayon sa sanglibutang ito: kundi magiba kayo sa pamamagitan ng pagbabago ng inyong pagiisip(sa Salita ng Diyos), upang mapatunayan ninyo kung alin ang mabuti at kaayaaya at lubos na kalooban ng Diyos.”
Si Jesus ay nagsalita tungkol sa iyong kaisipan sa Lukas 12:34 “Sapagkat kung saan naroroon ang inyong kayamanan(ang isinasaisip ng isipan), ay doroon naman ang inyong puso.” Talatang 35 ay nagpapatuloy na nagsasabi, “Bigkisan ninyo ang ang inyong mga baywang, at paningasan ang inyong mga ilawan.”
Bawat kasalanan na nagawa ay nagsimula at natimbang sa kaisipan, kaya nga ganito ang sinasabi ni Pablo sa Mga Taga-Roma16:19 “…Kaya’t nagagalak ako tungkol sa inyo: datapuwa’t ibig ko na kayo’y maging marunong sa kabutihan, at musmos na kasamaan.” Mas lalong dumi, maling pilosopia, makamundo, hubu’t hubad, makalaman, maruming salita, at kakulangan ng kasiyahang loob, ng kaisipan ng mga Kristiyano, ang lalong madaling trabaho ang naroon kay Satanas na ginawang daan upang mahulog sa kasalanan at masinsayan sa sanlibutan, at lalong nahirapan ang isang Kristiyano na mamumuhay sa kabanalan. Ang brainwashing o paghugas kaisipan sa katotohanan ay kinakailangan dahil ang ating pagiisip ay hindi katulad sa Panginoon, tulad sa Isaias 55:8 nagsasabi na ang Diyos ay hindi nagiisip katulad ng ating pagiisip, ngunit mayroon tayong kaisipan ni Cristo (Mga Taga-Corinto 2:16, na makita sa kaniyang salita, na ang gawain natin ay ang pag-aaral (II Timoteo 2:15) na ating iharap ang ating sarili na katanggap-tanggap sa Diyos.
Nang pahintulutan nating pumasok ang Salita ng Diyos sa ating buhay, ang ating pagiisip at perspektiba ay bumabago, na tayo ay mga taong gala at mga dayuhan sa mundong ito; na ang ating buhay ay tulad ng isang singaw, na hindi tayo mag-ipon ng kayamanan para sa sarili ( balisa tungkol sa pamumuhunan, at iba pa ); na lalong makamundo at ang iyong pilosopia ay natuturuan ni Satanas mismo, kung sino, samakatuwid ang ama at may-akdang kalakip sa lahat ng programming!!!