Ilan Sa Mga Maagap Na Katwiran upang Ihagis Ang Iyong (TV) Telebisyon alang- alang sa Diyos (Mabuti)!
Ilan Sa Mga Maagap Na Katwiran upang
Ihagis Ang Iyong (TV) Telebisyon alang-
alang sa Diyos (Mabuti)!
Ang napakamangha-manghang imbensiyon ng tao ay walang iba kundi ang nag-iisa, pinakanakasisirang kasangkapan na sanhi ng lubosang pagbabago ng kultura at gawaing mundo. Alalahanin ang banggaan ng iilan sa mga di-ligtas, karamihan ay mga balakyot na manunulat na nag-impluwensiya sa kaisipan ng mga tao, sa bawat pagkakataon na sila ay naka-upo sa harapan ng telebisyon at pahintulutan itong magturo sa kanila. Ang tao ay humahati sa bawat oras ng telebisyon at ito’y tinatawag na mga “palatuntunan”, at ito ay ginaganap ng telebisyon. Ito ay nag-impluwensiya ng makamundong kaisipan. Sa bawat oras na aksayahin sa pamamagitan ng palaging nasa harapan nitong kahon(telebisyon) ay siyang sanhi nang pagkabulag ng mga Cristiyano o Kristiyano, na naging matigas ang ang kanilang puso dulot sa kasalanan na kanilang ginagawa buhat sa paulit-ulit na panunood at pakikinig ng ng masamang pilosopiya, na hindi man lamang nabatid ang salot na dulot nito. Ang maikling pagtuturo tungkol sa paghagis ng telebisyon ay isinusulat po lamang hango mula sa batayan ng kaisipan ng Diyos ang paksang ito. Ito’y hindi naglaman ng kahit anong opinyon o palagay na nagmula sa mga psychologists,mga manggagamot, mga guro, at iba pa. (kahit na napakaraming sinulat sa mga taong ito tungkol sa mapanganib na gawa ng pilosopiya ng telebisyon). Bawat bagay na ating pangangailangan tungkol sa mabuting asal sa buhay na ito ay nakasulat na sa Salita ng Diyos.
Bago po tayo magsisimula, ako po’y dapat na magsasabi na ako rin noon ay mahilig manood ng telebisyon. Ito’y napakagaling mag-aliw at nakatutuwa. Ako ay mahilig ding tumawa at mapahi-pahinga. Mahilig din akong makinig tungkol sa pagbabatid ng mga balita. Ako’y mahilig manood ng gun – fights, makaramdam ng suspense, marunong maghula sa wakas ng hiwaga. Ako ay hindi magsinungaling at magsabi na ang panonood ng telebisyon ay hindi katuwaan. Ako rin naman ay dapat magsasabi na ako po ay walang telebisyon sa aking tahanan alin ma’y hindi na ako nanonood ng telebisyon umabot na ng 14 na taon! Mayroon din akong sampung mga anak na kasama ko at ang aking asawa. Sila ay hindi rin nanonood ng telebisyon???? Palagi kaming nakaririnig nitong katanungan sa lahat ng panahon. Ang sagot ko ay ganito: Ako’y namumuhay na walang telebisyon katulad na ang bawat isa’y walang telebisyon bago ang telebisyon ay dumating. Mayroon kaming family time; bumabasa ng mga aklat; kami ay nag-uusapan; nananalangin; nagyayakapan; naghahalikan; tumutugtog ng mga pang musikang instrumento; nag-aaral ng ibang wika o lenguwahe; kami ay sumisikap na mag-iisip sa pag-iisip ni Jesus, na walang sinumang mag-impluwensiya sa amin!!
Ito ay ang unang katwiran at ang pinakamahalagang katwiran upang ihagis ang Iyong TV(Telebisyon) alang-alang sa Diyos(Mabuti)! Ang pilosopiya ng telebisyon pinagtangkilik ni Satanas mismo. Ano ang ngalan ng diyablo? Basahin sa Mga Taga- Efeso 2:2,3, na nagsasabi , “Sa mga ito dati kayong namuhay (pinapatnubayan ng ating buhay) ayon sa takbuhin (direksiyon) ng sanlibutang ito, ayon sa pinuno ng kapamahalaan ng hangin(ang tinuturo sa atin ng telebisyon sa ating harapan), ang espiritu na ngayon ay gumagawa sa mga anak ng pagsuway (ang hindi ligtas ay mahilig sa telebisyon at sa bawat palatuntunan nito): Sa gitna ng mga yaon, tayo rin naman, ng ibang panahon ay nangabubuhay sa mga kahalayan ng ating laman(bago natin nalaman ang katutuhanan), na ating ginagawa ang mga pita ng laman at ng pagiisip(kung saan dito nagmula ang kasalanan); at tayo noo’y katutubong mga anak ng kagalitan, gaya naman ng mga iba.” Si Satanas ay ang siyang namahala sa “air waves” kagaya ng ating naririnig sa radyo at telebisyon “mga mangangaral” na hindi pumapahayag ng katotohanan mula sa Salita ng Diyos. Atin pong makita na ang “tagapaglingkod ni Satanas” ay kilala rin na mga screen writers, directors, actors at iba pa, ipinangaral ang kanilang pilosopiya na nagbigay karangalan ng kanilang ama (ang diyablo), at makikita po natin ang mga Kristiyano na ang mga mata ay nakadikit sa harapan ng telebisyon na may “takdang programa” salungat sa aral ng Bibliya. Ang Diyos ay nagpabatid sa atin na noon nang tayo po’y wala pa sa katotohanan na ang ating kaisipan ay makamundo, ngunit ngayon tayo po’y mga bagong nilalang ni Cristo, at dapat po natin na alalahanin na tayo’y mag-isip katulad niya na isaisip ang kabanalan at katuwiran.
Mga Cristiyano o Kristiyano sa ngayon ay walang kaalaman tungkol sa tunay na pagkatakot at pagsamba ng Diyos, kung ito’y nagdulot ng pagsampa ng kanilang mukha! Ang panunuya nila sa katuwiran at kabanalan ay para sa kanila ay “lubhang kabanalan” at “mas banal pa kaysa iyo.” Ipinangaral nila ang “balance” kapantay sa sanlibutan at mapangahas na sirain ang loob ng mga matatapat na Kristiyano na bawas - bawasan ang pagiging “sobrang makalangit na kaisipan.” Ito ang hilig ni Satanas na aral! Siya ang may-akda na isusulat ang ganong klaseng Sermon! Karamihan ng mga Kristiyano ay may malawak na kaalaman tungkol sa telebisyon kaysa kanilang mga Bibliya. Karamihan sa mga Kristiyanong ito ay sanay sa bawat palatuntunan lalo na ang mga laro, pati na ang kanilang paboritong kapangkat ng laro, ngunit walang kaalaman tungkol sa mga turo o aral ng Bibliya tungkol sa kanilang mga tungkulin. Kilala nila ang mga pangalan at may kabatiran tungkol sa mga artista sa sine o pelikula, ngunit hindi marunong magsaulo ng mga aklat ng Bibliya, mga pangalan ng mga disipulo, pangalan ng mga propeta ng Diyos, o mga pangunahing aral mula sa Salita ng Diyos na kung saan ang lahat ng mga ito ay roon matatagpuan. Pagkatapus, sa panahon ng pagsimba, at bago magsisimula ang pagsimba, ang tinalakay palagi ay ang tungkol sa laro o isports, pelikula o sine, at telebisyon dahil mahal nila ito! Kung saan man ang iyong kayamanan, ay naroroon din ang iyong puso! Karamihan ng mga mangangaral o preachers ay nagbibigay ng mas maraming panahon sa panonood ng mga isports o mga laro, pelikula o sine, at telebisyon kaysa pagbabasa ng Bibliya at pananalangin. Manunuya o mangungutya pa sila sa mga preachers o mga mangangaral na walang telebisyon na “over righteous hermits” o “lubhang matuwid na ermetanyo” upang maitakpan o maitago ang kanilang kakulangan sa paglilingkod at tunay na katapatan sa Diyos.
Ang pilosopiya ng telebisyon ay iisang panig mula sa sanlibutan. Gayunpaman, tayo ay pinasigla at pinalakas loob mula sa Salita ng Diyos na hindi tayo dapat matuto sa pilosopiya ng sanlibutan. Sa Jeremias 10:2 nagsasabi sa atin, “Ganito ang sabi ng PANGINOON,Huwag kayong matuto sa lakad ng mga bansa o mga gentil o mga pagano.” Narito ang isang maagap na tanong(sagutin itong mayroong katapatan): Anong “daan” ang ipinangaral ng telebisyon? Kung ang sagot mo ay gentil o pagano, panalo ka!!! Mga Kawikaan19:27 nag-uutos sa atin, “Magtigil ka, anak ko, sa pakikinig ng aral na nagliligaw lamang sa mga salita ng kaalaman.” Ito’y isang utos na dapat na nating ibasura ang telebisyon at ang pilosopiya nito. Tigilan mo na ang pakikinig ng hindi maka- Diyos na pilosopiya nito.
Ano po bang pilosopiya ang tinatalakay ko? Ang pilosopiyang makamundong pamilya na walang layunin kalian man na nagbibigay kaluwalhatian ng Diyos na itinataas bilang “Wasto” Heto ang maagap na talaan:
Mga Taga-Efeso5:31 nagtuturo sa atin tungkol sa pag-aasawa, “Dahil dito’y iiwan ng lalaki ang kaniyang ama at ina, at makikisama sa kaniyang asawa, at ang dalawa ay magiging isang laman. “Sa telebisyon kakaunti po lamang ang mayroong asawa, ngunit karamihan sa kanila ay magkasamang hindi nakasal. Ito ba’y nagbibigay kaluwalhatian ng Diyos?
Mga Taga-Efeso5:23 nagpapahayag sa atin tungkol sa kayariang autoridad ng tahanan, “Sapagkat ang lalaki ay pangulo ng kaniyang asawa.” Sa telebisyon, ang ama ay wala roon, o ginawa siya bilang layon ng mga pagbibiro. Siya ay kinaugaliang tanga, kawalang karunungan, dominado ng esposa, o ginawang magkilos babae.
Mga Kawikaan14:9 nagtuturo sa atin “Ang mangmang ay tumutuya sa sala: ngunit sa matuwid ay may mabuting kalooban.” Ang telebisyon ay nagtuturo sa atin na ang kasalanan ay katuwaan. Ito ay kumukutya sa katuwiran at pagmukhang maliit ng kabanalan, kahanay na rin dito ang mga balita sa kanilang pansariling hilig pananaw.
Mga Taga Colosas 3:20 nagsasabi sa mga anak, “ Mga anak, magsitalima kayo sa inyong magulang sa lahat ng mga bagay, sapagka’t ito’y totoong nakalulugod sa Panginoon.” Ang tinuturo ng telebisyon ay ang paghihimagsik o walang galang sa mga magulang, sumingit na panakaw sa likuran ng kanilang mga magulang, gumagawa para sa kanilang pansariling hangarin lamang, at iba pa. Kaya nga ang iyong anak ay mayroong masamang ugali!
Tito 2:3-5 nagsasabi ito sa katungkulan ng babae, “Na ngayon din ang matatandang babae ay maging karapat-dapat ang kilos sa mga banal… Sila ay maging mga guro ng mga mabuting bagay. Dapat silang maging ganito upang kanilang maturuan ang mga nakababatang babae na maging mapagmahal sa kanilang asawa, mapagmahal sa kanilang mga anak, Turuan mo rin silang gumamit nang maayos ng kanilang kaisipan, maging dalisay, maging abala sa sariling bahay, maging mabuti, magpasakop sa sarili nilang asawa, upang huwag mapagsalitaan ang salita ng Diyos.” Ang telebisyon ay nagtuturo na ang babae ay magkatulad ang katungkulan sa lalaki; na ang mga babae ay sila ay ang tagapamahala sa kanilang sarili; na hindi na nila kinakailangan ang kanilang asawa; at namumuhay na walang takot sa Diyos at walang kasagutan sa tungkuling bigay ng Diyos sa kanila. Mga Kristiyanong babae ay tumulad rin sa kanilang modelong “artista”. Ito nga ba ang kadahilanan kung bakit napakaraming dibursiyo sa gitna ng mga Kristiyano???
1Juan 2:15,16, nangangaral, “Huwag ninyong ibigin ang sanlibutan, maging ang mga bagay na nasa sanlibutan. Ang sinuman ay umiibig sa sanlibutan, wala sa kaniya ang pag-ibig ng Ama . Sapagka’t ang lahat na nangasa sanglibutan, ang masamang pita ng laman, at ang masamang pita ng mga mata, at ang kapalaluan sa buhay, ay hindi mula sa Ama, kundi sa sanglibutan.” Ang telebisyon ay kasangkapang sumusulong sa makasariling kaligayahan, mabilis na kotse, mga malayang babae, mga malalaking bahay, makamundo na kaginhawaan, mga makamundong kaligayahan, karumihang budhi na pamumuhay at iba pa. Ito ay sumusulong sa masasamang pagnanasa ng laman, masasamang pagnanasa ng mga mata, at ang kayabangan ng buhay na nag-uudyok sa sanglibutan na ihagis sa impiyerno at umaakit sa kanilang mga puso na lumalayo sa Diyos na siyang dapat bigyan puri at alay ng buong pusong pag-ibig. Ang puso ng mga Kristiyano ay “siksik ng pananabik sa ibang mga bagay” at ang “ nagpapalinlang na hangarin ng kayamanan” na sumasakalin sa kanila nang sila nito ay “pinamamahalaan”.
Santiago 4:4 nagsasalita tungkol sa mga Kristiyano na nanonood ng telebisyon, “Kaya mga mangangalunyang lalaki at mangangalunyang babae, hindi ba ninyo nalaman na ang nagnanais maging kaibigan ng sanglibutan ay pakikipag-away sa Diyos? Kaya ang sinuman na makikipagkaibigan sa sanglibutan ay kaaway ng Diyos.” Ang telebisyon ay nagtuturo na ang “Diyos” ay nagnanais na tayo ay maging matagumpay. Ito’y nangangaral na ang ang mga pansamantalang bagay ay ang tunay at iyon lamang pananaw nila ang mga temporaryong bagay lamang ang pagpapala ng Panginoon, tulad ng mga magagandang bahay, kotse, at kayamanan, at iba pa. Ito’y nagtuturo sa atin na ang mundo ay isang kahanga-hangang lugar!
Juan 15:19 nagpapaliwanag na tayo ay hinirang mula sa sanglibutan, “Kung kayo’y taga sanglibutan, ay iibigin ng sanglibutan ang kaniyang sarili: ngunit sapagkat kayo’y hindi taga sanglibutan, kundi kayo’y hinirang ko sa sanglibutan, kaya napopoot sa inyo ang sanglibutan.” Ang pilosopiya ng telebisyon ang siyang gumawa ng tagapanood nito na kabilang sa sanglibutan sapagkat ito’y nagtuturo ng pagsasang-ayon sa sanglibutan at sanhi ng kapighatian ng Banal na Espiritu ng Diyos na nasa loob ng bawat puso ng Kristiyano. Gayon pa man, hindi na tayo pinag-arian ng sanglibutan at ang sinumang nasisiyahan manonood ng kontra – Biblikal o (kasalungat sa pilosopiya at aral ng Bibliya) ay mayroong problema sa kaniyang puso.
Mga Taga- Colosas 3:16 nagtuturo sa atin kung anong dapat aawitin, “Manahanan nawang sagana sa inyo ang salita ni Cristo ayon sa buong karunungan; kayo’y mangagturuan at mangagpaalalahanan sa isa’t isa sa pamagitan ng mga salmo at ng mga himno at ng mga awit ukol sa espiritu o (awiting espirituwal), na magsiawit kayong may biyaya sa inyong puso sa Panginoon.” Ito ba ang aral ng musika na iyong narinig sa telebisyon?? Ang musika at ang aral na mula sa telebisyon ba ay nagiging kadahilanan na kayo’y umawit na may biyaya sa inyong puso sa Panginoon???
II Mga Taga-Corinto 10:5 nagtuturo sa atin kung paano mag-iisip, “Ibinagsak nito ang mga pag-iisip, at bawat matataas na bagay na nagtataas sa kaniyang sarili laban sa kaalaman o karunungan ng Diyos, at bumibihag sa lahat ng pag-iisip patungo sa sa pagsunod o sa pagtalima kay Cristo.” Hindi nga ba ang aral ng telebisyon ay nagtataas sa kaniyang sarili laban sa kaalaman ng Diyos?? Hindi ba na nararapat mong ibabagsak ang mga pag-iisip at mga imahen na ipinakita sa iyong harapan na nakikita sa iyong mga mata??
I Mga Taga-Corinto 2:4-6 nagpapaliwanag na mayroong iisang karunungan na dapat natin na taglayin, “At ang aking pananalita at ang aking pangangaral ay hindi sa mga salitang panghikayat ng karunungan ng tao, kundi sa patotoo ng Espiritu at kapangyarihan: Upang ang inyong pananampalataya ay huwag masalig sa karunungan ng mga tao, kundi sa kapangyarihan ng Diyos. Gayon man, nangagsasalita kami ng karunungan sa mga may gulang: bagaman hindi ng karunungan ng sanglibutang ito, o ng mga may kapangyarihan sa sanglibutang ito, na ang mga ito’y nangauuwi sa wala:” Ang telebisyon ba’y naninindigan sa karunungan ng Diyos o sa kapangyarihan ng Banal na Espiritu ng Diyos o sa karunungan ng tao na pansamantala at mauuwi man lamang sa walang kabuluhan???!!!
Lukas 14:26-27 nagsasabi kung paano maging disipulo ni Cristo, “Kung ang sinomang tao’y pumarito sa akin, at hindi napopoot sa kaniyang sariling ama, at ina, asawang babae, at mga anak, at mga kapatid na lalaki, at mga kapatid na babae, oo, at pati sa kaniyang sariling buhay man, ay hindi siya maaaring maging alagad ko. Sinomang hindi nagdadala ng kaniyang sariling krus, at sumusunod sa akin, ay hindi maaaring maging alagad ko.” Ang telebisyon ba’y naging sanhi na ika’y nagiging isang mas mabuting disipulo o alagad ng Panginoon?? Ito ba’y nagdudulot at nagbigay sigla na tanggihan ang sarili, magpapas-an ng iyong krus at sumusunod sa Panginoon???
Lukas 16:13 naglalahad na hindi pwedeng maglingkod sa katuwiran at sa kalikuan na magkasabay, “ Walang aliping makapaglilingkod sa dalawang panginoon: sapagkat kapopootan niya ang isa, at iibigin ang ikalawa; o di kaya’y magtatapat sa isa, at pawawalang halaga ang ikalawa. Hindi kayo makapaglingkod sa Diyos at sa mga kayamanan.” Papaano kayo makapaglingkod sa Panginoon at manonood ng telebisyon na nagtuturo ng kasalungat sa bawat kautusan ng Diyos na inuutos niya sa iyo? Hindi ka pwedeng maglingkod sa Panginoon at manonood ng mga palatuntunan ng diyablo na hindi kayo napunasan ng masasamang pilosopiya. Napapansin mo ba kung gaano ka dali mapawi ang mabuting aral na naipangangaral ng iyong murang anak nang siya ay sa harapan ng telebisyon??
IMga Taga-Tesalonica 5:17 nag-uutos, “Magsipanalangin kayong walang patid” Mayroon ba kayong mabuting panahon ng panalangin sa harapan ng telebisyon???
Mga Taga-Colosas 2:8 nag-uutos sa atin, “Kayo’y magsipagingat baka sa inyo’y may bumihag sa pamamagitan ng kaniyang pilosopia at walang kabuluhang pagdaraya, ayon sa sali’tsaling sabi ng mga tao, ayon sa pasimulang aral ng sanglibutan, at di ayon kay Cristo.” Ang telebisyon ba ay nagbibigay sa iyo ng maling pilosopia at walang kabuluhang paglilinlang o pandaraya? Ito ba’y nagtuturo sa iyo at sa iyong pamilya tungkol sa salinggawi ng mga tao at ang mga simulain(mga prinsipyo) ng sanglibutan? Papaano ang pilosopiyang ito makatutulong sa iyo na maglilingkod sa Panginoon??